Ang pinakahihintay na part III
Minsan natatawa na ‘ko sa sarili ko; parang ngayon. Sobrang corny talaga nito. Kaya lang hindi na kasi magiging totoo kapag isinulat ko sa ibang paraan. Mahirap kasing mag-isip pa ‘ko ng malalalim na salita at magpakahirap sa technique ng pagsulat, kung pwede namang maintindihan sa simpleng paliwanag ang gusto kong sabihin.. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Pero bago tayo pumunta dyan, balikan muna natin si Mr.Professor First LOve.
Gaya nga ng sinabi ko, matalino sya at gwapo. Suave. Karismatiko. Lahat kasi ng babae sa course namin e may gusto sa kanya. Syempre hindi ako kagaya ng mga yon.. kaya nagpaka-plastic na lang ako. Iniwasan ko syang palagi. At siguro napansin din nya (puro siguro) kaya iniwasan nya rin ako. Nag-iwasan na lang kami. Di ba ‘destiny’ ko sya? Pati yung laptops namin pareho ng model. Mahilig din sya sa kape. Mahilig din syang kumain. At sympre, expert sya sa animals. Sa klase lang nya ako hindi inantok o nakatulog sa buong kasaysayan ko sa kolehiyo. Minsan, kapag naiisip ko sya, nasasabi ko sa sarili ko: "stupid ka talaga!" Bakit kasi sya pa? Well, kahit sino naman ang magustuhan ko basta’t hindi ako gusto, e hindi ko rin makukuha.. haha.. kaya bakit ko pa yon naisip?
Pero kasi lahat ng ayaw ko nasa kanya: maputi, mabisyo, matanda, mataba, at galit sa mga bata. Oo nga at matalino sya at adventurous (?), pero kasi may pangako ako sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa kahit kaninong hindi papasa sa LAHAT ng requirements. Para tuloy tama yung kasabihang "hindi mo madidiktahan ang puso".. Bwisit! Bakit ba palagi silang tama? O baka kasi madaya nga ang puso ng tao.
Sa kanya ko napatunayan na kahit sino pala, kahit hindi tatapat sa gusto ko, kahit malabo pa sa malabo na magkatuluyan kami, kung talagang sya yun, wala akong magagawa. Naalala ko tuloy yung Bible verse na ang sabi "magpakaligaya ka sa Panginoon at ibibigay Nya ang nasa ng iyong puso".. lagi kong naiisip: siguro hindi ako lubos na nagpakaligaya sa Kanya kaya hindi ko makuha ang gusto ko.. Pero sobrang selfish naman non di ba? Service to God should be out of love, real Love, and should not be out of need. Hindi ba ang tunay na pag-ibig hindi humihingi o naghihintay ng kapalit? Kaya nga kasalanan siguro na mahalin ko sya ng sobra at ipanalangin na mahalin nya rin ako. Kaya naman makokontento na ako sa pag-asang darating ang panahong mawawala din ang nararamdaman ko para sa kanya.. dahil ang mga bagay dito sa mundo ay may katapusan. At hindi ko rin sasayangin ang oras sa pag-iisip sa kanya. Kaya ko naman syang mahalin kahit mula sa malayo. Hindi nga lang nya alam; pero mahalaga pa ba yon?
Hindi ko nanaising mabago ang lahat para lang magkatuluyan kami. Kasi baka pag nagbago ang lahat e hindi na kami magkakilala.. mas pipiliin kong makasama sya sa mundo na hindi nya ako mahal, kaysa sa isang mundo na kasama ko sya pero di ko sya minahal.. gets ba? hahaha
Pero hindi naman sa hindi ako maghihintay. Ngayon, hinahayaan ko na lang ang mga bagay ukol dito. Naka-focus ako sa mga bagay na mahalaga, sa "matters of great consequence" kung baga. Pero sa loob ko ay mayroon pa ding isang "Little Prince" o isang batang nangangarap sa isang happily-ever-after ending ng fairytale kong ito. Si Prince Charming nga lang e naligaw ata.. O baka naghihintay lang ako sa wala.. O baka naman hindi ako bagay maging prinsesa.. Kung ano pa man ang mangyari, wala na akong magagawa. Ang tanging kaya ko lang ay ang magpakaligaya sa Kanya na nakakaalam ng puso ko at magbibigay ng mga bagay na totoong para sa akin.
March 27th, 2007 at 6:20 am
see? i told u he D.N.E.
but dnt wori girl, ur prince (or frog?) WILL find u in God’s own sweet time..