Part II: Ganun pa din ang theme
Nakatapos ako ng high school na walang nakilalang perpektong lalaki. Inakala ko pa naman na doon ko na makikilala ang aking ‘destiny’. Hindi pala. Nang mag-college ako, marami din akong nakitang gwapo at matatalino, pero karamihan sa kanila ay may boyfriends na. Kung hindi naman, may girlfriends na mga konyo kagaya nila. At syempre wala silang pakialam sa gaya ko. May isang taong nagsabi sa kin na may tendency raw na matabunan ako ng mga bagay sa paligid ko kasi nga hindi ako nagsasalita o nagpaparamdam man. Pero sa akin kasi, walang pakialamanan; kanya-kanya na lang tayo! Kung may magkakagusto man sa kin, dapat magustuhan nya ako kung ano ako: panis na laway and all ‘tol! Syempre nainggit din naman ako sa mga nakita kong naglalakad na may kahawak ng kamay. Mahilig pa naman akong maglakad noon… Freshman ako nang magkagusto ako sa isang kaibigan. Gwapo sya pero suplado. Sabi ko sa sarili ko: "okey lang naman kasi crush lang"; hindi ko naman pinangarap na ligawan nya ko. Junior sya at malamang na isang bata lang ang tingin nya sa kin at tsaka may girlfriend na sya na maganda (lang). Ewan ko kung bakit ganun sya tuksuhin ng ibang mga kasama namin noon.. siguro suplado din yung gf gaya nya. Sa huli, di ko na rin sya pinapansin. Okey lang, sabi ko ulit sa sarili ko, hindi naman ako nawalan. Sorry sya ksi di nya nalaman kung paano ako magmahal (naks!) and that I am not "maganda" lang kundi: hindi masyadong maganda pero mas marami pa naman.. (bow).
Junior ako nang makilala ko ang ‘first love’ ko. Actually, hindi ako sure kung sya na ba talaga yon. Basta kasi hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko para sa kanya.. Nagkagusto na ako sa boys, sa girls, sa medyo boys at pati sa mga medyo girls (?).. pero wala namang tumatak sa puso ko at isip na gaya nya. Parang gusto ko laging ipagsigawan sa mundo na sobrang mahal ko sya pero ayoko din kasi gusto ko secret lang. Parang napapaiyak ako pero natutuwa pag nakikita ko sya. Lagi kong sinasabi sa friends ko na sya ang aking "destiny".. hehe.. paano kasi magkalapit ang birthdays namin; mere hours lang ang pagitan. Pero syempre, kinabukasan pagkapanganak sa kin ng nanay ko e nagcelebrate sya ng kanyang 15th birthday.. hahaha.. gurang na kasi! Professor ko sya sa isang major subject. Sobrang gwapo at matalino. Ang tawag ko sa kanya ay Mr.Melancholy eyes, kasi malungkot ang mga mata nya. Kaya nga parang gusto kong palagi syang yakapin at sabihan na ako ang bahala sa kanya.. na ipagtatanggol ko sya.. parang superhero ang dating diba? Pero gusto ko ako si Batman… Anyway, kinamuhian ko sya at minahal nang magkasabay. Napatunayan kong mahal ko syang talaga dahil gusto kong lagi syang masaya: kahit na mag-asawa pa sya, kahit na bading din pala sya, kahit ano pa.. Madalas tuwing magkaklase kami nagkakatagpo ang aming mga paningin. Ewan ko kung natitigilan din sya gaya ko, pero sa kin, ang isang sandaling yon ay katumbas ng isang habang buhaya Naalala ko tuloy yung kanta dati ng savage garden na "I knew I loved you.." haha,, parang ganun kasi ang pakiramdam ko; one moment, one lifetime (kuno).
May naging crush din naman akong iba habang minamahal ko sya nang palihim. Etong isa ay kamukha din ni Harry Potter (hmm.. wala po akong fixation sa character na ito okey?!) Siguro yong salamin nya ang nagustuhan ko.. mukha kasing matalino.. (mukha lang?) Parang may gusto nga din sya sa kin noon e, kaya lang natakot siguro sa salitang "committment" na para bang nakita nyang nakatatak sa malapad kong noo.. hahaha.. alam ny kasing hindi ako gaya ng ibang girls nya na pasulpot-sulpot at paiba-iba.
…to be continued (again)
January 18th, 2007 at 6:31 pm
hay abBi, mukhang alam ko to’ ha..hehe! same here girl, pero don’t worry well soon find our DESTINY. we’re not that old and ang ganda-ganda mo kaya!inside and out!they’re just too blind to see..but i know God will give you a guy with more than a 20-20 vision, he will see you as somebody to really love and cherish for the rest of his life..most importantly, to make you happy and simply make a difference coz’ you truly deserve to be.i am always praying for your true happiness dear, so be patient (malakas ata tau sa Kanya!)love kita!muah!
January 28th, 2007 at 3:14 am
hey abbey! wow…(sigh yan ha..). writer ka talaga. lam mo ba,sa dinamidami ng mga blogs sa friendster,yung sayo lang bnasa ko,kc..wla lang. feeling ko msarap basahin. hmm..anu ba ma-comment.. ganda.. im so into it while reading,na-feel ko.hehe..as in. u should write a book.. ipa-publish mo ha. hintayin ko yun.and when that time comes,im gonna buy a copy and you should sign it with personalized message sakin.hehe. cya cge,i’ll wait for the continuation nung story mo,i’ll read it pag may time ulit. yan ha..ksama na ko sa Fans Club mo.hehe. cge, tc lagi! Go girl! mmmwuah! miss yah!
January 29th, 2007 at 6:52 pm
nyahahahaha!! parang kilala ko yung instructor na yun ah… sya yata yung ni-recommend sa kin ng ENG 10 instructor ko na i-consult ko about the biology (more specifically, ornithology) part ng SP ko. ornithologist yun di ba? tama ba? ^^