Part I : Nakalimutan ko nang magsulat

Pangarap ko na makatagpo ang perpektong lalaki. Para sa akin, sya ay dapat tamang-tama lang: hindi masyadong gwapo pero hindi naman panget. Hindi nya kailangang maging mestizo o magkaron ng matangos na ilong, basta maganda ang mga ngipin at malinis sa katawan. Dapat magaling syang kumanta, marunong sumayaw kahit konti, magalang sa magulang at kababaihan, maka-Dios at maka-pamilya. Syempre kung ganon sya e siguradong masipag sya at mabait. Dapat masayahin at laging positibo ang paningin sa buhay. Bukas ang isip nya sa iba’t-ibang bagay pero alam din ny kung saan dapat manindigan; dapat marunong makisama ngunit hindi basta-bastang nadadala. Wala sya dapat bisyo, dapat "cool" at hindi kill-joy basta’t nasa tama naman. At dahil mahilig ako sa animals, dapat ganun din sya. Mahalaga din na sya ay matalino at may pinag-aralan, pero hindi mayabang. Bonus na siguro kung mayaman sya.. haha.. pero kahit hindi masyado okey na rin.

Mula pa noon (siguro mula nang magkamalay ako sa "pag-ibig"), ipinangako ko na sa sarili na ang kauna-unahan kong boyfriend ang aking pakakasalan. Dapat lahat ng requirements (as stated above) ay nasa kanya; wala kahit isang kulang. At dapat maging matalik muna kaming magkaibigan bago ang lahat.

Nas grade 5 ako nang una akong makatanggap ng love letter. Valentine’s day ata noon at may nag-abot sa akin ng isang card na may maraming puso na nakadrowing. Hindi ko na matandaan kung ano ang nakasulat doon at hindi ko na rin yon itinago. Pero natatandaan ko pa ang mukha ng nagbigay sa kin non: hindi sya gwapo kaya hindi ko na inintindi. Tsaka 10 years old pa lang ako non, alam kong wala pa kong alam.

Nang tumuntong ako ng high school, hindi ako naging sikat. Hindi ako madalas napansin dahil tahimik nga ako at laging nag-iisa. Mahiyain ako, o siguro ayoko lang makipag-usap sa mga taong hindi ko kauri. Maaga akong naging isang cynic. Hindi ako sumunod sa mga uso: damit, cell phone, love songs na nakakaantok, at pangongolekta ng boyfriends. Habang nag-eenjoy ang mga ka-edad kong babae sa pakikipagsapalaran sa masalimuot na mundo ng "pag-ibig" (kuno), nadiskubre ko ang iba’t-ibang genre ng prose at poetry. Nakilala ko si Shakeapeare, si Poe, si Frost, si Dickinson at marami pang iba. Nabasa ko si Ludlum at si Grisham, at nawili ako kay Koontz. Nagkagusto ako sa isang kaklase kong gwapo pero ubod ng yabang. Pakiramdam ko nga noon ay may gusto din sya sa kin kaya lang hindi nya ako malapitan dahil hindi na sya magiging "cool" kapag nanligaw sya sa isang gaya ko. Nahilig din ako sa broadway at naging paborito ko ang Miss Saigon. Pakiramdam ko ako si Kim na naghahanap ng isang Chris na magtatanggol sa akin. At may nakilala din akong Chris, dalawa pa nga sila e. Si Chris #1 ay isa sa mga una kong naging kabarkada. Sayang nga kasi lahat na ng gusto ko ay nasa kanya; nasa no.1 sya ng listahan ko.. kaya lang iba ang gusto nya (siguro.. hindi ko na ito napatunayan), basta hindi ata girls (period). Tinanong pa ako noon ng isang CAT officer namin kung sino daw ang crush ko, at nang sabihin ko ang pangalan nya e pinarusahan pa ko! kasi hindi daw sya pwede don.. duh? at least hindi sya hayop diba? Anyway, meron pa namang isang Chris. Gwapo din sya at matalino kaya lang minsan maangas, pasimple ang kayabangan. Nanligaw sya sa kin (nerd naman sya kaya bagay daw kami) at muntik ko na syang maging boyfriend. Pero kasi hindi daw sya maghihintay hanggang mag-18 ako, kaya nagsawa din sya kakasunod sa kin. Bahala sya sa buhay nya.. (peace!) Hindi kamo kamukha sya ni Harry Potter e makukuha nya na ko.. haha.. Malapit na ang graduation nang maging "close" ako sa isa ko pang classmate. Actually, nasa college na ko nang mag-text sya sa kin at nagsabing manliligaw sya. Kaya lang, 1 week later may girlfriend na syang iba. Ano kaya yun? hahaha.. talaga. Sayang din yun kasi gusto ko syang tulungan. No.3 sya sa listahan ko kasi matalino at hopeless romantic syang gaya ko. (Ang no.2 e yung Chris the 2nd na kamukha ni Harry Potter; at 3 lang sila sa listahan, okey!)

… to be continued

One Response to “Part I : Nakalimutan ko nang magsulat”

  1. joana Says:

    dude, u wont find this guy..

    he does not exist..

    dne

    does not exist!

Leave a Reply